Bebang Sy, It’s a Mens World.
Before anything else, let us acknowledge first the author and know a little bit about her.
Bebang, Beverly Wico Siy, was born in Quirino, Manila, December 10, 1979. From a Chinese ancestry. She‘s been included in Philippine Daily Inquirer’s Top 26 Young People to watch and called, Bob Ong..with ovaries.
Siy also wrote an erotic short novel called “Mingaw”.And has an upcoming novel, a follow up to this BoTM called It’s Raining Mens.
FACTS FROM :
http://lifestyle.inquirer.net/30079/funny-girl----------------------------------------------------------------------------------------------------
Discussion : Review of First Essay
Title : It’s a Men’s World
Pages : 1-17
Tanong, sino dto ang nagpunas ng panty na may dugo sa mukha sa pag aakalang kikinis ang mukha?
Ang pagkain ba ng manga ay nakakasakit ng puson pag nireregla?
Ano ang shake shake shampoo na laro?
Yan ay ilang bagay lamang sa mga katanungang pumasok sa aking isipan habang binabasa ang unang bahagi ng kanyang libro na tumatalakay sa mahalagang parte ng pagiging dalaga, ang pagreregla or pag mens.
Maganda ang pagkakalahad ni Binibining Siy sa kanyang obra, maganda na nakakatawa, pero alam nating me bahid ng katotohanan. Sa una aakalain mong ang ikukuwento nya ay buhay ng kapatid nya pero ito ga’y introduksyon lng. Dito sa unang parte, agad nyang naipakilala ang pamilya nya, buhay nya, at kung ano sya talaga.Sa una din, naisip kong inggitera si Siy at ayaw pahuli, pero ganun siguro mga bata or dalaga na malapit na sa pagreregla..biro lang. At sa edad na dose…natututo na syang lumandi.
Sa huling bahagi ng chapter, nagpahiwatig na rin sya ng mga dapat aabangan sa mga essay nya.. Ang tatay nya at si Michael.
Sila ba’y magkakatuluyan or patuloy lang na maglalaro, magpapahabol si Bebang at hahabol si Michael?
Para sa akin…kaabang abang at nakakapanabik kung ano isusunod ni Bebang. At kung ano talaga, at paano ang transisyon ng mga kababaihan patungo sa pagiging dalaga.
Mga kaibigan, ano reaksyon nyo sa unang chapter? Ibahagi na at magdiskusyon na.
(Guilty ako sa scrabble tiles na ginagawang domino)