Page 5 of 7

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 20th, 2013, 8:28 pm
by malot1182
Ah yes Ms.Wanda nasabi nga nya na inimbita mo sya but she's hesitant kung mag join ba sya habang ongoing ang discussion. Baka daw mailang tayo heheh.

@Laila: Mas okay nga na itanong mo muna sa kanya.

I really like her writing style kasi parang ganun din ako. Minsan feeling ko pilit yung patawa pero kapag bumanat naman sa pag deliver eh tatawa ka naman. Nakakatawa yung " Calling BANGKAY..."

=====================================================================================================================================

Dito ko na rin ipost yung free ebook. PAK U Journal ang tawag. weheheh.

HETO NA!!!! UNGAZPRESS issue # 1 "PAK U" Journal FREE E-BOOK DOWNLOAD! I-download at ipamahagi ang tunay na magandang balita!

>>>http://www.mediafire.com/view/?g3jrruopjjy7zk2<<<

420 treat! Para sa mga di pa nakakabasa dahil walang pambili ng dyornal pero may pambili ng eskinol. Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na! 'Yan muna basahin mo habang inaayos pa yung ikalawang putok. Oks?

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 20th, 2013, 10:14 pm
by Heldervert
@Ms. Wanda
hehe,,,FeelChi...
Marriage, yes that's fine with me, but as parent, consider also the feelings of your daughter, don't let her marry somebody who looked like a frog maybe, even if he's a prince, he's still a Freaking frog. (honestly i haven;t reached that part of the book yet, im reading it now)


wow..magiging kaberks na si Bebang..

wait..Idelete ko ba ung sinabi kong naglalandi sa una kong post?? hehe joke

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 21st, 2013, 1:14 am
by Heldervert
DISCUSSION
Essays 2-4
Pages : 18-35
Titles : Nakaw na Sandali,
Asintada
Kwits

Sino nga ba dto ang taong di nakaranas magnakaw…mapa maliit man na bagay, or kahit sentimo yan, o kaya’y teks o kaya GF ng may GF. Pagnanakaw pa rin yan…

As usual mkabuluhan at makulay pa rin ang buhay ng ating bida lalo na ang sa family nya. Maganda rin ang paglalahad niya kung ano talaga estado nila sa buhay, at kung ano trato sa kanila hanggang sa paglaki. Nkakatawa pa rin ang mga linya nya na binibitawan.

Dahil sa Chiclet ni Bebang muntik nang nawalan ng kamay ang kawawang musmos. Pero kung iisipin, kasalanan ba talaga nung bata or dahil sa nainggit lng sya sa mga pinsan nyang animo’y wagas kung mang isnab. Gaya nga ng sabi nya, nanay ba nya’y nagkulang sa kanya?? Or talagang nagkukulang lang sa pera. Kagandahan lang, sa bandang huli, lahat sila natuto sa pagkakamali na to, ganun siguro talaga buhay, magkakamali ka muna para mas lalong matuto. Ano sa tingin nyo?? Sino..sino ang tunay na baliw may sala pala??

Naalala ko bigla, kasama lagi ang pagnanakaw sa tinatanong kung nagla lie detector dto. Yes, dahil sa base to ng mga kano, naranasan ko na ang sinasabing Lie detector na yan. Linsyak, kahit di ka criminal e parang kasama ka n dun sa resulta nito e. E kaw ba naman ang pasakan ng kung ano anong instrument, na un bang ginagawa sa mga preso na at terorista, pakiramdam mo tuloy kaw ang me kasalanan. Tapos sasabihan kang di gagalaw at titingin lang sa isang part ng dingding, e sino ba naman ang lalong di nenerbyosin, at ang matindi, NOSEBLEED…

Balik ke Bebang, ganun ba talaga ka Big Deal ang pag aasawa sa mga pinay/pinoy ng chinese? Mga kaibigan ko di ko naman narinig yan, e un lang pagkabungangera nanay nila nadidinig ko. Or makaluma na intsik ang family kaya ganun pa rin. Sa ngayon ba nangyayari pa rin to?

Mga aral sa parte na to:
1. Kung ala ng pambili, at para di na lng matawag na nanghingi, sabihing masarap ang iluluto kahit kulang sa rekado.
2. MAkakatulong sa Family Planning, dapat iisa lng kama sa bahay nyo at dun kayo lahat matutulog at kung ilan ang pinaplanong anak. (si bebang ba nung tumanda dun pa rin natutulog)
3. Teknik para magbago nanay. Paghandaan lagi ang bday.

Mga Totoong aral sa parteng ito.
1. Kung me gusto ka patunayan ihanda ang sarili sa posibleng mangyari, dahil siguradong may kapalit ito. Minsan kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi.
2. Pagsusugal ay nkakasira ng pamilya.

Ayan na, ano masasabi nyo mga katropa?? Uusad na rin discussion natin, sorry at natagalan ako, bwisit na trabaho kasi to nakaksira ng pagkakaibigan hehe

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 21st, 2013, 2:53 pm
by malot1182
Hay buti umusad din si Heldie. Hehehhe

Nakaw na Sandali - Gusto ko yung pagkakasulat ni Bebang dito. May pagka thriller at horror. Lalo na yung pilit nyang pinapakalma yung puso nya. EPic! haahah. I confess, di naman ako isang santa na bata or tao. I think kumuha na rin ako ng piso mula sa table ng nanay ko noon. Pero di ko na inulit kasi pwede naman manghingi.

Asintada - 'Tada talaga ni Bebang. Naglagay ng asin sa mata. :lol: May ganito rin akong ginawa nung bata ako pero kakaiba. May pagka "Thor" ang ginawa ko eh. Or Kidlat ng Channel 5. May nakita kasi akong putol na cord plug sa drawer. Dahil bata ako at mahilig ako sa science, naka isip ako ng experiment. Theory: Gagana pa kaya yung plug kahit putol na? --- Yung plug na ata na yun eh mula sa nasirang e-fan ata. Tapos ginawang bulaklak na pilit ibinuka ang mga petals yung cord. Ayun exposed ang electrical wires. Dahil walang tao sa bahay at tulog naman ang kapatid ko, gumawa ako ng experiment. SINAKSAK ko yung plug sa power outlet. At isa akong ma-curious na bata noon naisip ko, teka paano ko malalaman kung gumagana nga eto? Wala naman nakakabit na appliance sa cord? Alam nyo ba kung ano ginawa ko? Syempre yung hindi dapat gawin. Hinawakan ko yung exposed electrical wires ng thumb and index finger ko, kasi nga sabi ko i-che-check ko lang naman. Kaya kahit paano alam ko yung feeling ni Frankenstein nung nakidlatan sya at nabigyan ng buhay. Ganun pala yung makuryente ng HANEP sa HATAW. Parang iipitin yung buto ng braso ko. Buti na lang may reflexes ang mga human kaya naalis ko yung kamay ko sa live wire. Result: Ayun paltos yung dalawa kong daliri ng kuryente. Binalot ko ng bimpo na basa yung kamay ko ng magdamag. Ngayon nga di ko pa rin sinasabi sa mama ko yung ginawa ko hahahha! :P

Kwits - Again maganda ang pagkakasulat nya dito. Naalala ko kwento ng nanay ko dati mayaman daw sila. Pero mula ng mamatay ang lolo ko, ayun di na napigilan mag sugal ang lola ko. Nagkawatak watak sila at nagkabentahan ng mga gamit. Tama ka jan Heldie, nakakasira talaga ng pamilya, ng buhay, ng sarili ang pagsusugal. Kahit anong bisyo naman talaga.

Di ko pa naranasan mag undergo ng Lie Detection Test. Parang astig yung experience na yun. Pero tama ka nga, nakaka-kaba. heheh

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 21st, 2013, 11:10 pm
by laila_6045
@Malot...thank you for the fresh supply :)

Nakaw na Sandali ~ i have mentioned before na meron kaming small na sari-sari store before sa tapat ng bahay namin. I was about 10 years old and my mother was still alive i wanted bubblegums. Kaya lang naubusan na kami ng bubblegums sa tindahan. I was a kid and my selfish need to get what i want that day was rather fierce. Kaya i was very sneaky in "getting" a 1 peso coin from the kaha. Then went to another nearby sar-sari store and bought bubblegums worth 1 peso. What i didn't realize that my 1peso worth of bubblegums will fill up a plastic that is the size of one pack of cigarettes. I didn't know kung paano ko ma uubos yung one pack of bubblegums. I cannot go home with my guilty chewey colorful evidence. So i spent the rest of my afternoons outside the house trying to cram and chew all the bubblegums inside my mouth. It was not that easy and it made my jaw ache. My mama still managed to find out what I did coz she went looking for me and i was still in the middle of trying to hide all the evidence in my mouth. Haahahaha! Lesson learned and well spent.

Pero yung kay Ms. Bebang very mission impossible like. Patayin sa sindak si Ms. Bebang yung na sa isip ko while i was reading it. Akala ko mag ka heart attack sya ng tuluyan. lol! Dahil dito na remember ko tuloy yung sarili kong nakaw na sandali.

@Heldie...grabe naman yung lie detector experience mo. ayaw ko yata yung mangyari sa akin. huhuhu! pero it sounds thrilling ha! hehehe!

Asintada ~ I was a cautious and shy child even till i was growing up. So i didn't experience trying to do any outrageous experiment just to challenge someone's belief. Unlike ni @Malot hehehe...curiosity ay nakaka koryente din pala. hehehe!

Kwits ~ gambling is never good in my opinion. kasi it can be an entertainment that turns to obsession that can get out of hand. like any vices it can be a very jealous lover. it will destroy you and your family first bago ka man nila pakawalan. I'm fortunate wala sa aming pamilya na ganyan ang bisyo. So hindi ako maka relate masyado in this case.

Regarding fil-chinese will need to marry another person of chinese ancestry well I think its the traditional elderly fil-chinese who would like to observe this kind of practice when it comes to marriage. But so far the few fil-chinese friends that i do have their partners have chinese ancestry and there is that certain Big Deal about it. Maybe the new generation will not be that strict with this outlook in this fil-chinese marriage.

@Malot...request ako for the next supply ko...pwede? hehehe.

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 22nd, 2013, 3:32 pm
by Wanda
Wow, nakakatuwa ang discussion na ito, maraming childhood confessions! hehehe

Nakaw na Sandali - Laila, super nakakatawa yung experience mo with your bubble gum! I can almost imagine you with all that bubble gum in your mouth! Ako naman, maniwala kayo o hindi, wala akong matandaan na pagkakataon kung kailan nagnakaw ako maliban dun sa isang beses na pinagpalit ko ang mga chess pieces ng kapatid ko. Ganito kasi yun, dala ko ang chess set ng kuya ko sa bahay ng pinsan namin nung bumusita kami. Siyempre ang isang chess set ay may black pieces at white pieces, diba? Aba, nakita ko na yung pinsan ko may chess set din sila na tulad sa amin. Nung walang nakatingin, pinagpinalit ko yung mga white pieces ng pinsan ko sa mga black pieces ng chess set ng kapatid ko. Ang resulta, yung chess set namin may 2 sets na white pieces , at yung chess set ng pinsan ko may 2 sets na black pieces! Siyempre galit na galit yung kuya ko pag uwi ko nung nakita niya yung chess set niya. Hindi na puwede laruin yun! Wag niyo ako tanungin kung bakit ginawa ko yun. Ang iniisip ko yata nung bata ako dapat lahat ng mga laruan at mga damit magkakulay!

Asintada - i never tried this also, but i DID try this: licking the ice inside our freezer wall with my tongue! The result - i got stuck there for a few minutes with my tongue sticking out because i couldn't detach it from the ice! I think my sister saved me by pouring water on my tongue to get it unstuck. Ang INET kasi, just like now! Kaya parang ang sarap kainin yung ice!

Kwits - I agree, gambling is never a good option. My mom always advises me never to even try it lest you get addicted.

Malot - w0w, grabe yung experience mo sa plug na yan! Iba rin ang batang mahilig sa science, mahilig talaga mag experiment! hahaha Hindi ba nasunog yung daliri mo? Kasi diba ma o-obvious kung may sugat?

Heldie, wow interesting ang experience mo sa Lie Detector Test. Agree ako na parang hindi naman ata puwede asahan ang results niyan kasi sino ba naman ang hindi nenerbiyusin sa paraan nila ng pagtanong at paggawa ng test!

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 22nd, 2013, 8:14 pm
by malot1182
Hi Wanda! Nakakatuwa nga etong book discussion natin kasi much more of sharing tayo. Kwentuhan lang. Mahirap din talaga yung ginawa ni Laila pwede nya ikamatay if ever mabilaukan sya. Hehehe. Talagang mga bata ano? Pwede rin naman masugatan dila mo Wanda buti na lang to the rescue si sister.

Nag wheal lang yung nakuryente sa kamay ko buti na lang naalis ko kagad mula sa pagkakahawak. Saglit lang yun pero parang super slow motion sa utak ko. Yung kuryente kasi natin dito parang ihahagis ka talaga. Parang napaso ka ng sobrang init na tubig pero kakaiba yung paso. May faint mark ng scar yung nakuryente sa akin sa finger pads ko. Mas naging unique pa talaga fingerprint ko heheh

Excited na tuloy ako sa next BoTM natin. Gusto ko yung ganitong discussion. Relax lang at kuwentuhan. Hindi ko rin naman kasi maalam sa mga technicalities ng book reviews. :D

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 22nd, 2013, 9:09 pm
by Heldervert
hello hello now lang ako nakaonline at weekend...tulgo kain tulog ako pag weekend..kaya eto i have a problem na...i gained 11 pounds na..how will i burn those fats again...anyway..30 days na lng and goodbye bacon, goodbye burgers na

eto ang mga tanong sa akin nung lie detector...i think mali kasi ung mga tanong nila lalo pag pinoy kausap..
1. Did you ever lied to your loveone/family? , ang loveone mo dto e ung America...isipin mo daw america ung tinutukoy at hindi family mo, pero sabi ko nga, dahil mga pinoy tayo di nating maiwasang maisip ung family talaga natin

2. Did you ever brought shame to your family? ......ayun family mo ulit ung america daw

3. Have you experienced stealing from your family??...yan ang matindi hehe

tapos tatakutin ka na maari kang makulong at maibestigahan pati family mo depende sa resulta nito...tapos pag inulit ang session, ibig sabihin bumagsak ka na sa una...syempre sa pangalawa na, sobrang nerybos mo na tapos maiisip mo na what if makulong ka or pano na family mo kasi nga kahit ano gawin mo di ka pumapasa sa LDT.

halos lahat ng pinoy nag ulit...ung iba three times pa...ako dalawa din...

enewei...katakot naman ung sa dila Ms. Wanda...ninerbyos pa ako nung nabasa ko, di ko na ata alam gagawin nun pag ako...e kmsta dila mo now Ms. Wanda?? hehe

Malot, grabe ka naman bat ka nagpakoryente.,,,hehe pero kakatuwa ha...bilang EE, lalo na pag me mga bata, bumili kayo ng receptacle na me cover, at tamper proof...di natin maiwasang macurious ung mga usmos.

lai..dami namang gum nun..haha kakatauwa nga..buti di mo nilulon hehe,,

ako naman nagnakaw din ako sa wallet nung nanay ko, separate kasi ung sa barya nya, me coin purse sya, ayun pinambili ko ng teks (Ms Wanda alam mo ba tong teks na to?)..pagdating sa bilihan ng tex, pinauna namin kasama namin para bumili, tapos nung lumabas, sabi alis na daw kami at nagmamadali sya,,,pagkalayo namin sa tindahan, binigyan kami ng mga tig isang pack ng TEKS, nagnenok pala sya dun....at di ko n ngamit ung pera.

ayun, pag uwi binalik ko ung pera. tapos sinabi ko nanay ko nangyari, ayun napagalitan pa rin ng bonggang bongga haha...pinagpunas ako ng sasakyan sa labas at gabi un, at takot na takot ako dahil sabi me aswang daw na nakita sa laguna ta nagpa ilocos siguro sumabay sa mt pinatubo, i know malayo laguna sa pampanga..pero di ko na naisip un..enewei, ganun pagpapalaki sa amin, di kami napalo, or nasinturon, parang psychologial approach lagi,,,ayun naging nerbyoso ako hehe

Tama ka malot, masaya nga rin diskusyon na ganito, kakarelate lahat ehehe

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 23rd, 2013, 9:08 pm
by Heldervert
-reserved-
(for promotion purposes only hehe)

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 23rd, 2013, 11:14 pm
by eira
hindi ko pa ito natatapos basahin (nakikibasa lang kasi ako sa bookstore), pero nakakatawa nga.makabili nga nito! haha. (goodbye kuripot mode)