Page 6 of 7

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 25th, 2013, 1:51 pm
by malot1182
Hi Eira!!! Yes please buy ka na ng copy mo. We have to support our kapwa Pinoy writers. :)

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 25th, 2013, 9:21 pm
by Heldervert
wow me kasama akong ilokana dto hehe joke eira..bili na..tama si malot..support natin sila...sayang andaming magagaling sa atin

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 27th, 2013, 9:19 pm
by Wanda
Yes Eira! We are all for supporting our Pinoy writers!!!!

Heldie, so whats our next discussion topic? Maybe we shld have a closing discussion question na since its almost end of the month na! Si Ms Ivy will soon be putting up the votation for May! :)

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 28th, 2013, 4:37 pm
by malot1182
Oo nga naman. Closing discussion na. Patapos ang ang April heheh

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 29th, 2013, 4:16 pm
by laila_6045
Hello guys! Finally nakabili na ako ng my own copy kanina. It's php180 lang pero when ini-scan ng cashier it was php195 pero the tag prevails kaya yehey for me!

So i'm now sa Uncle Boy portion....

Regarding Pineapple...naka experience nga ako nga mangati kati yung dila ko. Akala ko tuloy allergic talaga ako sa prutas na iyan. Kaya hindi ko naging paborito na prutas ang pineapple. But years later i tried again and i had a more delicious non kati2x experience.

Funny naman ang mga naging nickname nilang magkakapatid...pero Epic yung kay Beberleh! lol! Wala akong naging nickname na unique its either Lai for short or Laila lang talaga. Or sa family ko Ate Lai.

Matapos ko din ito within today in time for the closing discussion natin :)

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 29th, 2013, 5:54 pm
by admin
Hi everyone, Ms Ivy says she will not be able to put up the votation for the May Book of the Month. Would anyone be interested to do this? Up to you what theme or books to include!

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 29th, 2013, 8:15 pm
by malot1182
Take over Laila... (^_^)

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 29th, 2013, 9:37 pm
by Heldervert
laila...kaw na hehe..

hala di ko napost ung sinulat ko last week haha eto un sana..
Dicsussion : Its a Mens World - Bebang Siy
Chapters : Pinyapol, Lugaw, bayad utang
Pages :
Pinyapol,
Madumi talaga ang mga street foods natin, lagi nga kaming napapagalitan about dyan..Sino nga ba ang di maeengganyo sa mga mamantika na fishball at ang npakatamis at lamig na Pinyapol juice na sabi ni bebang. Pero, mga pinoy ala sige, kain lng ng kain, ano ba naman ung minsan lang magkadiarrhea, o kaya hepa…e di patay na lahat sana ng kumakain kung marumi..amp…buti pa ung classmate ko na Saksi ni Jehovah, di namin sya mapakain dun…kala namin talagang malinis lang…tapos minsan nakita ko ngumangata ng adidas sa kanan, tapos ulo ng manok sa kabila, nung tinanong ko bakit dati di sya kumakain dun, sagot nya..nakikita nya kasing pinagsasaw sawan ng Betamax ang suka at dun sa ihawan pa niluluto..ang damuho ayaw lang pala sa may dugo…

Sa Saudi naman, mas masaya, bili ka shawarma, iaayos sa ihawan ung pambalot, tapos kukunin bayad mo, sakto pagkasukli iaayos n ung shwarma mo, babaliktarin sa ihawan ung wrapper, kukunin, iaayos ung mga karne na hiniwa, pag me nahulog, pupulutin ulit..sayang. Dadampot kamatis at repolyo, tapos pampaganda ibibilot pa ito sa foil. Pero..ang lahat ng ito’y metikulosong ginawa ng wala man lang gloves, alang hugas hugas, nasuklihan ka na’t lahat lahat e hahawakan pa pagkain mo…di mo nga lang alam kung gano na karami ung nagawa nyang shawarma sa gabing un.

Lugaw,
Kalungkot naman ng pangyayari na to sa buhay ni Bebang…Bilib nga ako sa kanya at nagawa pa rin nyang biro ang mga pangyayari na un kahit na ganun katindi ang pinagdadaanan nila sa mga panahong yon. Pag naghiwalay ang mga magulang, laging unang apektado mga anak, hanggang matapos na ang lahat lahat, anak pa rin ang sasalo. Napansin ko lng, sa mga essay nya laging me isang bagay na konektado at nagpapaalala sa kanya sa mga pangyayaring yon, o siguro’y mahirap lang talaga syang makalimot.

Bayad Utang.

Isang salita. Kakatouch.

Dto nilahad ni Bebang ang galling nya sa pagsulat at pagkwento. Maiinis ka, maawa, matatawa, magagalit pero kagigiliwan mo pa rin sya. Pinakita rin nya dto ang kabutihan ng kanyang loob at sana’y mabasa nya to ng mabiyayaan tayo ng libro nyang me pirma din hehe…

Sa part na to ako natawa, ito sa akin ang isa sa magagandang part ng book.


OK panghuli na susunod...

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 30th, 2013, 9:57 am
by laila_6045
Lugaw ~ salamat sa Diyos hindi naman kami naka experience ng kapatid ko ng lugaw nalang ang ulam namin. Great provider talaga ang mga magulang namin. I consider myself fortunate in that area. Dapat family planning para hindi masyadong magka hirap2x kung merong problema.

Bayad Utang ~ i have two nieces so i can totally understand how Ms. Bebang feels sa mga pamangkin nya. Also before mortal enemy #1 ko ang kapatid ko dahil nga sibling rivalry when we were younger. Yung mga favorite poster nya sa mga hollywood teen star noon I vandalized them whenever I got pissed off by her. Eh si mama palagi sinasabi sa akin na i need to be more patient and understanding of my sister. For me unfair yata yun. Bakit palagi ako ang dapat mag pasensya? hahay...kaya ngayon pag nag grocery ako i try to buy something extra something for my nieces.hehehe. Ganun na din cguro yun, looking at my two nieces palaging nag aaway like me and my sister before. Just like the old days :)

Regarding the next BoTM, I'm not very familiar with other genre. I will try to think of a theme for May. Pero i want to nominate @Heldie to head the discussion.

Re: APRIL BOOK OF THE MONTH: It's A Mens World by Bebang Siy

PostPosted: April 30th, 2013, 1:49 pm
by malot1182
Speaking of Lugaw, sa amin naman eh DILIS. Inulam namin pritong dilis for a week kasi naniwala dad ko sa chuchus ng mga huklubang pamilya nya na may lalaki daw mama ko. (kasi nasa California si Itay). Kaya ayun, 1k lang ata pinadala nya sa amin. Buti nanalo sa jueteng si mama at nakakuha ng 2k na premyo. Inuubos nga namin yung dilis kasi gusto na namin ng bagong ulam. Hahahhaha!