Page 1 of 2

Hello fellas!

PostPosted: January 11th, 2012, 9:17 am
by trishy
Noong isang linggo pa ako sumali pero hindi ako nagpakilala dito. At hindi rin yun ang dahilan ng post na ito. Hindi ko lang kasi alam kung saan ko ito ilalagay. Haha. Napansin ko lang kasi, puro Pinoy naman ang miyembro dito, pero bakit halos lahat ng nababasa ko eh nakasulat in English? Hindi ko sinasabing 'wag kayo mag-English, ito ay isang observation lamang. Marahil ang ilan ay mas komportable magsulat sa ganoong wika. Ako nga naiinis sa sarili ko kasi hindi na ako nakakapagsalita ng diretsong Filipino, pero sinusubukan ko naman. Reader's community ito, at alam kong medyo sala ang ipinupunto ko rito. So my spologies sa mga makakabasa na maiinis. :D

Re: Hello fellas!

PostPosted: January 11th, 2012, 1:43 pm
by francesca_elaine07
trishy wrote:Noong isang linggo pa ako sumali pero hindi ako nagpakilala dito. At hindi rin yun ang dahilan ng post na ito. Hindi ko lang kasi alam kung saan ko ito ilalagay. Haha. Napansin ko lang kasi, puro Pinoy naman ang miyembro dito, pero bakit halos lahat ng nababasa ko eh nakasulat in English? Hindi ko sinasabing 'wag kayo mag-English, ito ay isang observation lamang. Marahil ang ilan ay mas komportable magsulat sa ganoong wika. Ako nga naiinis sa sarili ko kasi hindi na ako nakakapagsalita ng diretsong Filipino, pero sinusubukan ko naman. Reader's community ito, at alam kong medyo sala ang ipinupunto ko rito. So my spologies sa mga makakabasa na maiinis. :D


very well said dear.. i feel you hehehe... maybe they're more comfortable sa paggamit ng wikang ingles.. sa tingin ko naman kung san ka mas komportable dun ka tama? and kung san mo mas maeexpress yung gusto mong sabihin yun dapat.. kung mas maeexpress mo yan sa wikang bisaya why not di ba? sa tingin ko naman kahit anu gamitin natin bisaya, english, spanish or tagalog meron at meron pa ring mga tao na makakaintindi sa mga sasabihin natin..:) opinion lamang po na nakakarelate sa kanya hehehe...

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 11th, 2013, 1:04 pm
by malot1182
HAPPY BIRTHDAY TRISHY!!!!!!

MALIGAYANG KAARAWAN!

Pede po ba taglish? Hehehe. Isa sa ikinagusto ko dito sa RP ay relaxed ambience. No need maging well-versed para makapag share ng naiisip.

Asan ka na nga ba?

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 12th, 2013, 9:34 am
by summer
welcome to RP, trishy! :D

medyo nakakalungkot na bihira na lang ang mga pinoy na nagkakapagsalita ng diretsong tagalog, pero natural lang naman na mag-resort tayo sa "language mixing" dahil karamihan sa atin ay tinuturuan na maging bilingual (or multilingual) simula pagkabata. some people might think that patriotism is linked to the language that the people of a country speak, and they have a point, pero para sa akin, language is a means of communication; mas importante ang message na gusto mong ipahatid. depende sa situation, ok lang na mag-English, tagalog, bisaya, elvish or Klingon ka kung sa tingin mo mas maiintindihan ka through that particular language. ang importante ay makapagcommunicate ka. as for patriotism, I believe that love for one's country goes beyond the language one speaks, pero syempre huwag mong kalimutan ang native language mo (because it reflects your "roots") ;)

masaya nga dito sa RP kasi relaxed ang ambience. kung gusto mong mag-tagalog lang talaga or English dahil mas maikli ang words, then go go go! :D

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 12th, 2013, 10:52 am
by Bagamundo
sa ganang akin, ang ating mga binabasa at pinapanuod ay humuhubog sa ating isip. sa aking sapantaha karamihan sa mga miyembro ay nagbabasa ng literaturang ingles o isinalin sa ingles. kaya naman atin din itong ibinabahagi sa iba sa wikang ingles. halimbawa paano ko isasalin sa tagalog ang existentialism o pagkakaiba ng probabillity sa possibility? isa pang dahilan ay sms at twitter. nilimitahan nito ang bilang ng karakter na magagamit sa isang mensahe kaya naman naisasakripisyo ang balarila, mga bantas at wastong paggamit ng wika.

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 12th, 2013, 11:59 am
by summer
*nosebleed* :lol: pero totoo. also, sapantaha ftw!

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 12th, 2013, 1:09 pm
by laila_6045
Welcome to RP Trishy :-)
As a bisaya here...medyo nahihirapan akong mag tagalog. I am more comfortable expressing myself in english. Nosebleed jud ko! Hehehehe!

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 12th, 2013, 6:14 pm
by malot1182
Tama ang inyong mga tinuran mga kabatak. Hahahha di ko alam if tamang tagalog nga yung kabatak. Sana sa kaingayan nating ito ay maalimpungatan si trishy sa kanyang pagkahimbing.

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 18th, 2013, 7:51 pm
by trishy
Hello! Salamat sa pagbati at sa mga opinyon. Nakalimutan ko po kasi ang password ko kaya hindi na ako nakabalik dito haha. Nung nakita ko 'yung comments, nag-effort akong magbukas ng email para makapasok ulit dito haha. Thank you! :)

Re: Hello fellas!

PostPosted: August 18th, 2013, 10:55 pm
by malot1182
Yehey! Welcome back Trishy! Buti naman nakabalik ka na. Spam na ng posts. Wehehehe