trishy wrote:Noong isang linggo pa ako sumali pero hindi ako nagpakilala dito. At hindi rin yun ang dahilan ng post na ito. Hindi ko lang kasi alam kung saan ko ito ilalagay. Haha. Napansin ko lang kasi, puro Pinoy naman ang miyembro dito, pero bakit halos lahat ng nababasa ko eh nakasulat in English? Hindi ko sinasabing 'wag kayo mag-English, ito ay isang observation lamang. Marahil ang ilan ay mas komportable magsulat sa ganoong wika. Ako nga naiinis sa sarili ko kasi hindi na ako nakakapagsalita ng diretsong Filipino, pero sinusubukan ko naman. Reader's community ito, at alam kong medyo sala ang ipinupunto ko rito. So my spologies sa mga makakabasa na maiinis.
Return to Member Introductions
Users browsing this forum: No registered users and 2 guests