Hello..
Natuwa po ko nung nakita ko pa na may ganito pa lang lugar sa internet. Lugar para sa mga Pilipono na mahal ang magbasa . Nakita ko lang po itong site na 'to habang naghahanap ako ng mga magsa-sale na bookstores. Kaya imbis po na nag-aaral ako, nagpapakilala po ko dito .
Hindi ko pa po sigurado kung saang genre nalalagay ang interes ko, pero sa ngayon sinusubukan ko po yung YA genre. Dati po kasi nagbabase lang ako sa synopsis na nakalagay sa back cover. Tas nakilala ko po yung Booktube at doon po naintroduce sa akin yung YA.
Dati rin po, naikot lang mundo ko kay Meg Cabot tsaka sa Full House series. Mga nahilig ko po noong elementary. Hanggang pinakilala sa akin ng papa ko si Charles Dickens at doon na po nagbukas yung mundo ng classics para sakin. Tapos, natutunan ko pong maghanap ng recommendations sa internet na halos random, kaya hindi pa po mapalagay kung anong genre yung hanap ko. Basta po rinekomenda, kahit adult novel pa o ano pa man, malalagay na sa to-read list ko.
Ayun po, hanggang lumawak yung kaalaman ko sa social media. Nakilala ko po yung mga taong may kaparehas kong preferences at mas alam ko na po ngayon kung ano babasahin.
Next year po, balak ko pong magbasa ng books from Filipino authors. Isang book pa lang po nababasa ko eh, Mass by F.Sionil Jose.
Disappointing nga po kasi di ko pa po nasusubukan si Bob Ong waaaah!!
Ayun lang po, open po ko for suggestions.
sX4L4aMhwAtzX!