Hi, I'm Malot! (wanna play?)
Parang si chucky lang ano? hahha!
Okay, I know guys I've been a member of this forum since last year pero I think wala akong post dito sa section na ito.
I don't know why and how I fell in love reading books but what I can remember is mahilig akong magbuklat ng mga libro. Nasa kinder pa ako noon at hindi pa marunong magbasa talaga, interested lang talaga akong tignan yung mga pictures ng nasa workbook namin. May pinsan akong may isang punong-puno ng FUNNY KOMIKS and assorted books sa bahay nila. I'll stay there after my class and browse everything that I can see in the shelf. At tambay din ako sa kwarto ng pinsan ko, binubuklat yung story ni Joan d'Arc Illustrated book for children. Hanggang ngayon naghahanap ako ng copy nyan.
Mapapansin nyo mga ka-readPHers (wala, naisip ko lang bigla yan), pakalat kalat lang ako sa mga threads dito. Madaldal talaga ako pagdating sa pagta-type pero mejo mahiyain sa personal.
Sa admin, pagpasensyahan nyo na kung minsan pasaway ako. (Ganun lang po talaga ako. Hahaha!)
Sa mga active and not-so-active readPHers, thanks for sharing and I learn from you all.
Sa mga newbies, welcome welcome welcome!
P.S. Ako rin po si Maldita sa GR-TFG.