Mga kapatid!
Mayroon ba sa inyo na marunong tumingin ng first edition book ni bob ong?
Naghahanap ako ng mga libro ni Bob Ong na first edition or iyong unang limbag... Mejo nahihirapan akong maghanap sa internet ng mga impormasyon tungkol dito dahil malimit ang lumalabas sa search engine ay mga reviews at discussions... Ang publisher ng mga libro ni BO ang Visual Print Enterprises. Hindi masyadong nakatulong ang copyright page dahil hindi naman nakalagay kung pang-ilang print na ang libro...
Kung ang pinag-uusapan natin ay mga english novels na pinublish sa ibang bansa ay mas madali sanang malaman dahil sa copyright page ng mga librong iyon ay halos andoon na lahat ng kailangan mo katulad ng numberline, isbn number, copyright, at latest printing. Subalit ang Visual Print Enterprise ay hindi masyadong naging matulungin ukol sa bagay na ito.
Tulong Please!