Page 1 of 1

Mga Libro ni Bob Ong

PostPosted: February 13th, 2012, 11:30 am
by PauloCornejo
Mga kapatid!

Mayroon ba sa inyo na marunong tumingin ng first edition book ni bob ong?

Naghahanap ako ng mga libro ni Bob Ong na first edition or iyong unang limbag... Mejo nahihirapan akong maghanap sa internet ng mga impormasyon tungkol dito dahil malimit ang lumalabas sa search engine ay mga reviews at discussions... Ang publisher ng mga libro ni BO ang Visual Print Enterprises. Hindi masyadong nakatulong ang copyright page dahil hindi naman nakalagay kung pang-ilang print na ang libro...


Kung ang pinag-uusapan natin ay mga english novels na pinublish sa ibang bansa ay mas madali sanang malaman dahil sa copyright page ng mga librong iyon ay halos andoon na lahat ng kailangan mo katulad ng numberline, isbn number, copyright, at latest printing. Subalit ang Visual Print Enterprise ay hindi masyadong naging matulungin ukol sa bagay na ito.

Tulong Please!

Re: Mga Libro ni Bob Ong

PostPosted: February 13th, 2012, 4:26 pm
by deathwalker
I'm not aware that there are more editions aside from the line of Bob Ong books published by VisPrint given that VisPrint is the only publisher distributing his books.

Re: Mga Libro ni Bob Ong

PostPosted: February 13th, 2012, 4:56 pm
by PauloCornejo
Paumanhin. Binasa kong muli ang aking mensahe at nalaman kong hindi pala ako ganoon kadetalya sa aking mga tinatanong dahilan upang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo kung ano ang aking ibig sabihin.

Ang isang first edition o unang limbag ay yaong pinakaunang format ng isang aklat na inerelease for readers consumption. Tama ka sa iyong sinabi na lahat ng librong isinulat ni Bob Ong at pinublish ng VisPrint ay nagmula sa isang edisyon dahil wala namang nabago sa mga succeeding printings ng mga libro. Kapag nagkaroon ng pagbabago, halimbawa sa dami ng pahina o sa pabalat ng libro, iyon ay maituturing na na panibagong edisyon. Ano ngayon ang importansya ng isang unang limbag (first edition)? Sa nakararami na ang pangunahing layunin lamang sa pagbabasa ay ang mabasa ang isang libro, wala gaanong kahalagahan ito. Nagkakatalo lamang ang mga edisyon na ito pagdating sa mga metikulosong kolektor ng libro. Sa mga kolektor na gaya ko ay importante ang isang unang limbag unang impresyon (first edition/first printing) ng isang aklat.

Ang mga libro ni BO na nabibili ngayon sa mga tindahan ay iyong first edtion parin dahil wala namang pagbabagong ginawa dito simula ng una itong inilimbag. Subalit ang mga ito ay mga reprints na lamang. Ang akin pong hinahanap ay yaong first printing ng libro. Sa makatuwid first edition/first printing.

Naway naliwanagan ka sa aking pagpapaliwanag. Kung meron ka mang kakilala na nagmamay-ari ng isang libro ni Bob Ong na first edition/first printing at nais ipagpibili ang kopya ay ipagalam mo lamang sa akin at akin itong bibilhin.

Salamat.